ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Base sa committee report, napag-alaman na ang 79 na mga
may-ari ng lupa ay nabayaran na ng husto at sampu pa ang parsyal na nabayaran
ng project implementor.
Napag-alaman rin sa pagdinig na hinihintay pa ng project
implementor ang individual certification ng mga tenant na kasama sa Department
of Agrarian Reform (DAR) para sa kanila na maibigay ang bayad.
Ibabase umano ng project implementor ang land value sa
isinumite ng independent appraiser.
Nangako rin si Engr. Arturo Balderas, project manager ng KIA
na makikipag-ugnayan sa Nationa Irigation Administration (NIA) para maayos ang
apektadong irrigation canal sa nasabing ekpansyon.
Kaugnay rito, iminungkahi ng komitiba na isama ang DAR at ang NIA sa management
committee.
Hiniling ng mga miyembro ng komitiba sa project implementor
na magtakda ng panahon para sa pagbayad ng mga apektadong tenant.
Nabatid ayon kay KIA-Civil Aviation area manager na ang
Kalibo airport ay may average na 17 international at 30 domestic flights bawat
araw.
No comments:
Post a Comment