ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
photo (c) Dicof Diaz Cofrero FB |
Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) – Aklan at ng lokal na pamahalaan ang pangpitong Negosyo Center sa probinsiya sa bayan ng Libacao.
Ang nasabing Negosyo Center ay binuksan sa senior citizens building ng munisipyo umaga ng Miyerkules.
Kilala ang Libacao bilang pangunahing prodyuser ng aba
ca fiber at iba pang mga produktong pang-agrikultura.
Una nang inilunsad ng ang mga Negosyo Center sa mga bayan ng Kalibo, Ibajay, Altavas, Numancia, Lezo at Makato.
Ngayong taon, nakatakda na ring ilunsad ng DTI-Aklan ang mga Negosyo Center sa mga bayan ng Malinao at Malay.
Ayon sa DTI, sa pamamagitan ng mga center na ito ay makapagsasagawa sila ng training at micro, small and medium enterprise development sa mga stakeholder sa mga nasabing bayan.
Samantala, napag-alaman na sa pamamagitan ng mga Negosyo Center sa Kalibo, Ibajay at Altavas sa nakalipas na taon ay nasa 6,000 na kliyente na ang nabigyan nila ng business registratrion at business advisory services.
No comments:
Post a Comment