Thursday, March 23, 2017

DAPAT SIMPLE LANG ANG GRADUATION, PAALALA NG DEPED-AKLAN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Nagpaalang muli ang Department of Education (DepEd) - Aklan sa mga guro, magulang at mga estudyante na dapat simple lang ngunit makabuluhan ang graduation ngayong taon kapwa sa pribado at pampublikong paaralan.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo kay DepEd-Aklan Superintendent dr. Jesse Gomez, sinabi niyang dapat simple at hindi dapat magastos ang graduation, kabilang na ang damit na susuotin at pagkaing ihahanda.

Pinaalala rin niya ang “no collection policy” sa mga paaralan at kung may karagdagan mang gagastusin ay dapat boluntaryo lamang at napagkasunduan sa parents-teachers association.

Nabatid ayon kay Gomez na ang graduation ay para lamang sa kindergarten; recognition naman mula grade 1 hanggang grade 5 at grade 7 hanggang 9; preparation ceremony sa grade 6 at closing exercise sa grade 7. Gagawin umano ang mga ito sa Abril 6 at 7 maliban lamang sa hindi maisasantabing kadahilanan. 

Ang tema ngayong taon ay “Sabay-Sabay na Hakbang Tungo sa Maunlad na Kinabukasan.” 

No comments:

Post a Comment