Tuesday, March 21, 2017

US CRUISE LINE MAMUMUHUNAN SA PAGTATAYO NG BORACAY TERMINAL -DOT

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Isang Miami-based international cruise line ang nakaktadang maglaan ng teknikal at pinansiyal na tulong sa pagtatayo ng terminal sa Caticlan o sa Boracay ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ito ay kasunod ng paglagda ng kasunduan ng DOT, ng lokal na pamahalaan ng Aklan at ng Royal Caribbean Cruise Ltd. (RCCL) noong nakaraang linggo para palakasin ang global cruising market sa Western Visayas.


Ayon sa report ng Philippine News Agency, sinabi ni DOT Usec. Benito Bengzon, Jr na ang kasunduan ay sa ilalim parin ng negosasyon. Plano kasi na ang homeport na itatayo ng RCCL ay magiging bukas rin sa iba pang commercial vessels. 

Hindi naman nabanggit kung magkano ang halaga na ipupuhunan rito.

Nabatid na ang Boracay ay pangatlo sa pinakamalaking cruise destination sa buong Pilipinas na may 29 pagbisita ng cruiseship sa nakalipas na apat na taon. 

No comments:

Post a Comment