Nakatakdang magtipon ngayong araw ang iba-ibang kompanya ng
electric-tricycle na nag-ooperate sa isla ng Boracay alinsunod sa kahilingan ng
Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board of Malay.
Sa pangunguna ni vice mayor Abram Sualog, pag-uuspan sa
pagpupulong na ito ang mga isyu patungkol sa electric-powered tricycles na
nag-ooperate sa isla kabilang na ang kanilang mga charging stations at mga
yunit.
Sa isang panayam sinabi ni Sualog na aalamin rin nila ang
mga programa ng mga e-trike companies para sa kanilang mga driver.
Pinahayag ni Sualog na dapat noong nakaraang taon pa naging
epektibo ang pag-alis ng lahat tricycle sa isla pero na-unsyami dahil narin sa
mga problema sa mga kompanya ng e-trike.
Sa kasalukuyan ay may limang e-trike companies ang
nag-ooperate sa isla at may 100 yunit na nagserserbe sa mga turista at mga
tagaroon. (PNA)
No comments:
Post a Comment