Wednesday, March 22, 2017

DROGA, SUGAL AT WANTED PERSON, SUSUPILIN NG BAGONG OIC NG AKLAN PNP

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

photo by APPO 
Striktong ipapatupad ng bagong officer-in-charge ng Aklan police provincial office (APPO) ang mga batas laban sa wanted person, illegal drugs, at illegal gambling sa kanyang panunungkulan.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo sinabi ni PSSupt. Lope Manlapaz, na ang mga atas na ito bilang OIC ng police force sa lalawigan ay mula sa regional director.

Ipapagpapatuloy rin umano niya ang mga sinimulan ng dating administrasyon lalu na sa pagpapanatili ng peace and order at pagsupil sa mga kriminalidad sa probinsiya.

Kaugnay rito hiniling niya ang kooperasyon ng mga Aklanon para sa kaayusan at katahimikan ng Aklan. Paliwanag ni Manlapaz, hindi nila matutupad ang kanilang atas at mapanatili ang kaayusan kung walang aktibong suporta mula sa mamamayan.

Si Manlapaz ay opisyal na umupo noong Lunes bilang bagong OIC ng Aklan PNP kapalit ni dating acting provincial director PSSupt. John Mitchell Jamili matapos siyang ilipat sa Campo Crame.

Ang kasalukuyang OIC ay una nang naglingkod bilang hepe ng regional logistic division ng police regional office 6.

No comments:

Post a Comment