Saturday, March 25, 2017

BORACAY PASOK SA ASIA’S 2017 TOP 10 ISLAND - TRIP ADVISOR

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Pasok ang isla ng Boracay sa ikapitong pwesto sa Asia’s top ten island ng 2017 Travelers’ Choice Awards.

Ang Bali Indonesia ang nanguna sa listahan. Sinundan ito ng tatlong isla sa Thailand, ayon sa pagkakasunud-sunod: Phuket island, Ko Samul at Koh Tao. Panglima naman sa listahan ang Lomok sa West Nusa Tenggara, Indonesia.

Ang iba pang mga nakapasok ay Gili Trawangan sa Gili Islands, Indonesia; Langkawi, Malaysia, Havelock island sa Andaman and Nicobar Islands at; Taketomicho Iriomote-Jima sa Yaeyama-gun, Japan.

Samantala anim na hotel sa Boracay ang pasok sa Top 25 hotels sa bansa.

Ang report ay inilabas ng isang sikat na travel site na TripAdvisor nitong Marso 21.

No comments:

Post a Comment