Hihigpitan ang seguridad sa parehong Caticlan at Cagban port bilang paghahanda sa pagbuhos ng mga turista sa isla ng Boracay sa nalalapit na semana santa at summer vacation.
Sa isang panayam, sinabi ni Aklan jetty port administration special operation officer Jean Pontero, pinaghahandaan na ng inter-agency ang seguridad sa lahat ng entry point sa isla.
Sinabi pa ni Pontero na makikipag-ugnayan ang port authority sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), Malay police station, Philippine Coastguard, Philippine Army, Maritime Police, Malay Auxiliary Police, at
Municipal Disaster Risk Reduction Center.
Maglalagay rin ng mga tourist assistance desks sa Caticlan at Cagban ports.
Ang semana santa na natuon sa Abril 9-16 ay isa sa mga pinakaabalang linggo sa isla dala ng inaasahang buhos ng mga turista.
Sa kabilang dako, nagsimula na ang BTAC sa pagpapatupad ng Oplan Summer Vacation (SumVac), na naglalayong itaas ang mga police visibility sa mga matataong lugar. (PNA)
No comments:
Post a Comment