Wednesday, March 22, 2017

MGA PANIBAGONG FLIGHTS BINUKSAN SA CATICLAN


Nagbukas ang ilang airline companies ng mga panibagong flight sa Caticlan na magdurugtong sa Boracay sa iba pang mga tourism destination sa bansa kabilang na ang El Nido, Iloilo.

Isang bagong flight mula Iloilo ay inilunsad ng Lunes ng isang Filipino Airline Company na AirJuan Corp.  Ang flight na ito sa pagitan ng Caticlan at Iloilo ay 45 minutos lang kumpara sa lima hanggang pitong oras na land travel.

Ang airline na ito ay bibiyahe ng Iloilo-Caticlan tuwing Lunes at Huwebes.

Noong nakaraang linggo, isa pang Filipino airline ang nagbukas ng ruta na nagkokonekta sa El Nido, Palawan. Ang AirSWIFT ay nagsagaw ng inaugural flight noong Marso 17 mula Lio Airport sa El Nido gamit ang 48-seater na aircraft.
 
Ang airline ay may flight sa Boracay apat na beses tuwing linggo, tuwing Linggo, Miyerkules, Byernes at Linggo.


Samantala, maliban sa Iloilo at El Nido, a panibagong flight connection sa Davao ay nakatakdang ilunsad sa Abril 22.

No comments:

Post a Comment