ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Isa nang retire-friendly province or retirement area ang
lalawigan ng Aklan kasunod ng pag-apruba sa resolusyong inihain kaugnay rito sa
Sangguniang Panlalawigan.
Nakasaad sa draft resolution nina vice governor Reynaldo
Quimpo at SP member Immanuel Sodusta, ang pagdedeklara sa probinsiya bilang retirement
area ay magiging daan para maisama ng Philippine Retirement Authority (PRA) sa
kanilang mga promosyon.
Sinabi rin sa resolusyong ito na sa pamamagitan rin nito ay
posibleng magtayo ng satellite office ang PRA sa probinsiya.
Naniniwala ang mga lokal na mambabatas na makakahikayat ito
ng mas maraming imbestor at magbubukas ng maraming trabaho sa lalawigan.
Iginiit rin na ang Aklan ay may mga pinalalawig nang
imprastraktura at pasilidad, isang kakaibang kultura, at sapat na tao para
tumugon sa mga pangangailangan ng mga retiree.
No comments:
Post a Comment