Ginagamit na ngayon ang isang organic mineral technology upang maalis ang masangsang na amoy ng mga basurang nakatambak sa centralized material recovery facility (MRF) sa Isla ng Boracay.
Ayon sa bagong upong executive assistant ng solid waste management na si Jose Macavinta, ang pagspray ay gagawin habang ang mga basura mula sa brgy. Manocmanoc sa Boracay ay inililipat sa brgy. Cabulihan, Malay.
Nabatid na ang nasabing white organic powder ay una nang ginamit noong Asia Pacific Economic Cooperation conference noong Mayo 2015.
Kamakailan lang ay nangako ang lokal na pamahalaan ng Malay na matapos ang paglilipat ng mga basura sa MRF sa Abril 10.
Ito ay kasunod ng atas ng Provincial Environment and Natural Resources-Aklan dahil narin sa mga reklamo sa mabahong amoy na nagmumula rito.
Humingi rin ng kooperasyon sa tatlong punong barangay sa Boracay at mga stakeholder sa paglutas sa suliranin ng basura sa isla. (PNA)
No comments:
Post a Comment