Friday, March 24, 2017

VIDEOKEH BARS SA BORACAY BALAK I-BAN NG SB MALAY

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Dahil sa mga kaguluhan at gambalang dulot ng magdamagang videoke bars sa isla ng Boracay at maging sa mainland Malay, nagpahayag ang miyembro ng Sanggunian ng Malay na i-ban ang mga ito.

Sa ginanap na 10th regular session ng Sanggunian, sinabi ni konsehala Nenette Graf nais umano niyang i-ban ang videoke bars na inaabot ng madaling araw.

Ayon naman kay Abraham Sualog, gusto niyang ipasara nalang ang mga videoke bars dahil maliban sa mga ito ang sanhi ng gulo at ingay ay pinagmumulan rin umano ito ng prostitusyon.

Tutol naman sa mga pahayag na ito si SB member Jupiter Gallenero kung saan sinabi niyang dapat lamang iregulate ang mga videoke bars dahil naging bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagkanta tuwing may mga okasyon.

Pag-aaralan pang maigi ang nasabing usapin sa joint committee ng laws, tourism at environment.

No comments:

Post a Comment