Monday, March 20, 2017

MGA TRICYCLE DRIVERS MULING PINAALALAHANAN NA SUMUNOD SA BATAS-TRAPIKO

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Muling pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang mga motorista na sumunod sa mga traffic rules and regulations para maiwasan ang mga aksidente at maprotektatahan ang mga sarili.

Ito ang binigyang diin sa mga sunod-sunod na seminar na isinagawa ng Sangguniang Bayan sa mga tricycle drivers and operators  bago sila mabigyan ng motorized tricycle operators permit (MTOP).

Nabatid ayon sa rekord ng Kalibo police station, ang kabuuang bilang ng mga aksidente sa kalsada mula Enero hanggang Marso 16, 2017 sa Kalibo ay umabot na sa 150; 52  dito ang nagresulta sa physical injuries; 95 sa damage properties; at 3 ang naiulat na namatay.

Sinabi ni Kalibo PNP traffic division chief SPO2 James Bantigue na ang tumataas na bilang ng mga aksidente sa kalsadahin dito ay dahil sa dumaraming bilang ng mga sasakyan na labas-pasok sa sentrong ito ng probinsiya.

Nitong Marso, kabuuang 2,988 permit na inilabas ng lokal na pamahalaan sa mga may-ari at drayber ng mga tricycle para legal na makapag-operate.

Maliban sa mga batas trapiko, itinuro rin ang mga environmental concern, personal hygiene at tamang pag-uugali ng mga drayber, at
takdang pagpapatupad ng no smoking policy.

No comments:

Post a Comment