Nagpapatuloy ang puspusang pagsasanay ng lokal na pamahalaan
ng Malay sa mga lifeguard sa isla bilang paghahanda sa nalalapit na peak
season.
Ayon kay executive assistant IV at island administrator
Rowen Aguirre, ang training na ito ay naglalayong masanay ang ang kanilang
response capacity sa oras ng emerhensiya.
Nabatid na mula 17 noong nakaraang taon, mayroon nalamang na
siyam na lifeguard ang lokal na pamahalan na nagbabantay lalu na sa front beach
ng Boracay.
Sa kabila ng kaunting bilang ng mga lifeguard, pinasiguro ni
Aguirre ang seguridad ng mga turista na naliligo sa baybayin. Sinabi niya na
maliban sa mga lifeguard, ang mga guwardiya ng lokal na pamahalaan ay sinasanay
rin nila bilang lifesavers.
Sinabi rin ni Agguire na inatasan narin ang mga lumalabag sa
mga ordinansa sa isla.
Kinokonsidera ang Abril at Mayo bilang peak season sa Boracy
dahil sa malaking bilang ng mga aktibidad na isinasagawa rito. Kabilang na ang
Labor Day weekend o “LaBoracay”, international dragon boat festival at semana
santa. (PNA)
No comments:
Post a Comment