Showing posts with label Sangguniang Panlalawigan. Show all posts
Showing posts with label Sangguniang Panlalawigan. Show all posts

Wednesday, June 12, 2019

Board Member Tirol pormal nang nagpaalam sa Sangguniang Panlalawigan

 

PORMAL NANG nagpaalam sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan si Board Member Lilian Quimpo Tirol kasunod nang kanyang pagkatalo sa katatapos lang na eleksyon.

Mababatid na lahat ng miyembro ng Sanggunian pati na ang regular presiding officer na si Vice Governor Reynaldo Quimpo ay pinalad sa election bilang mga incumbent officials maliban lamang kay Tirol.

Nitong Lunes sa regular session ng Sanggunian, isang send off ceremony ang isinagawa para pasalamatan ang opisyal at gawaran ng parangal sa anim na taon niyang paglilingkod mula 2013.

Sa send-off ceremony, nagbigay ng mensahe sina Board Member Jay Tejada, Board Member Soviet Dela Cruz, Rechie Oloroso, legislative staff at si Vice Governor Reynaldo Quimpo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng out-going official na tanggap na niya ang hatol ng mga Aklanon. Nakadepende rin aniya sa mga Aklanon at sa Diyos kung tatakbo pa siya sa susunod na eleksyon.

Si Tirol ang nag-iisang babaeng miyembro ng konseho. Mababakante niya ang Chairmanship sa mga Committee on Human Resources at Committee on Women and Family Welfare at membership niya sa iba pang committee.

Napag-alama na pinaaga ng Sanggunian ang send-off ceremony para kay Tirol dahil sa susunod na Lunes ay wala umano ang regular presiding officer at ang iba pang mga miyembro dahil may mga lakad.

Posibleng ang susunod na session sa susunod na linggo ang huling sesyon na ng Sanggunian bago sila magpalit mula sa kasalukuyang 17th Sanggunian sa ika-18 Sanggunian tanghali ng Hunyo 30.

Ang bagong miyembro ng 18th Sanggunian ay ang Board Member-Elect na si Juris Sucro ng first district na nasa ikalawang pwesto.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Monday, December 03, 2018

Sucgang naging emosyonal sa gitna ng usapin sa Php1 billion loan facility

NAGING EMOSYONAL si Board Member Atty. Harry Sucgang sa diskusyon sa Sangguniang Panlalawigan kaugnay ng kontrobersiya sa Php1 billion loan facility ng Aklan sa bangko.

Matatandaan na naghain ng motion for reconsideration ang opisyal kasama si Board Member Atty. Noly Sodusta kung saan pinapabawi nila ang boto ng mayorya sa utangin.

Paliwanag ni Sucgang, hindi dumaan sa tamang proseso ang pag-apruba ng ordinansa kaugnay rito. May mga paglabag aniya ito sa mga internal rules ng Sanggunian at maging sa konstitusyon.

Nakasagutan niya si Board Member Jay Tejada sa isyu na ang inaprubahang ordenansa ay walang numero. Ayon kay Tejada kapag ang isang ordinansa ay inaprubahan ng mayorya lahat ng mga pagkakamali ay maaayos.

Nais pa sanang balikan ng Board Member ang loan terms and condition pero pinigil siya ng regular presiding officer Vice Governor Reynaldo Quimpo na aminadong nagtaas ng boses nagsasabing "out of order" si Sucgang.

Sa kanilang sagutan ay naging emosyonal ang Board Member. "Ginahinyo ko malang ro akon nga mga miyembro it Sangguniang Panlalawigan basi kon bayluhan nanda ro andang pinuino hay may akon man nga mga grounds kara nga sa akon nga pagpati hay balido man," maluha-luha niyang pagkasabi.

Sa botohan, siyam ang hindi pabor sa motion for reconsideration nina Sucgang at Sodusta. Samantala, sa kanyang privilege speech nanindigan si Sodusta na hindi na kailangang umutang ng gobyerno probinsyal.

Ang uutanging Php1 billion mula sa Development Bank of the Philippines base sa kahilingan ng gobernador ay gagamitin umano sa pagpopondo sa iba-ibang proyekto ng gobyerno probinsiyal.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan / Energy Fm 107.7 Kalibo

Friday, September 08, 2017

BAKU-BAKONG KALSADA SA ISLA NG BORACAY, PINUNA SA PUBLIC HEARING NG TAX ORDINANCE

Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Pinuna ng lokal na opisyal ang baku-bakong kalsada sa isla ng Boracay at kawalan ng express lane para sa mga senior citizens na sumasakay-baba sa mga pumpboat sa Caticlan at nasabing isla.

Ito ay mariing binanggit ni Malay Sangguniang Bayan member Nenette Aguirre-Graf sa kanyang naging sentimyento sa ginanap na public hearing kaugnay ng isinusulong na tax ordinance ng probinsiya.

Ayon kay Graf, na siya ring presidente ng Boracay Foundation Inc., ilang beses na umano siyang sumulat sa mga kinauukulan para bigyang tugon ang nasabing problema pero wala parin anyang nakikitang pagbabago rito. 

Naawawa rin siya sa mga senior citizen na sumasakay at baba sa mga pumpboat sa mga pantalan ng Boracay at Caticlan na wala umanong express lane para sa kanila.

Binigyang diin ng opisyal na dapat ay malutas ang mga suliraning ito dahil ang Boracay ang may pinakamalaking ibinabayad na buwis sa probinsiya at dahil sa ito ay sentro ng turismo sa Aklan.

Bilang sagot, sinabi ni vice governor Reynaldo Quimpo na gumagawa na ng paraan ang lokal na pamahalaan ng probinsiya para mapaayos ang nasabing kalsada sa Boracay. Ang kalsada kasing ito ay nasa hurisdiksyon ng pamahalaang lokal ng probinsiya.

Samantala, ayon kay Graf, nakatakdang maghain ng resolusyon at position paper ang SB-Malay na huwag biglain ang pagpapataas sa tax kaugnay ng isinusulong na tax ordinance sa mga real properties.

Monday, June 26, 2017

GUSALI NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN, NINAKAWAN; NASA PHP50K NATANGAY

Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Ninakawan ng nasa Php50 libo halaga ng mga gamit ang gusali ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan sa bayan ng Kalibo.

Ayon sa inisyal na report ng Kalibo PNP station, dumating umano sa lugar si Michael Solano, administrative officer IV dakong alas-8:30 ng umaga at nadiskubreng nanakawan ang kanilang tanggapan.

Natangay ng di pa nakikilalang suspek ang isang yunit ng laptop  na nagkakahalaga ng mahigit Php49 libo, portable fan, mga pabango, at mga dokumento.

Pinaniniwalaang dumaan ang mga suspek sa sliding window ng nasabing gusali para makapagnakaw.

Iniimbestigahan na ng theft and robbery section ng Kalibo PNP ang nasabing insidente.

Thursday, April 27, 2017

MODIFIED MUFFLER AT MODIFIED LIGHTING, BAWAL NARIN SA BAYAN NG BANGA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Ipinagbabawal narin sa bayan ng Banga ang paggamit ng mga modified mufflers at modified lightings sa mga sasakyan.

Inaprubahan na sa Sangguniang Panlalawigan (SP) – Aklan ang Banga municipal ordinance no. 2017-003 kaugnay rito.

Nakasaad sa nasabing batas na ipinagbabawal ang mga sasakyang gumagamit ng mga maiingay na muffler at maging mga sasakyan na mataas sa 84 dicebel ang ingay.

Ipinagbabawal rin ang mga modified lighting na nakakaapekto sa paningin ng iba pang mga motorista.

Ang lalabag sa nasabing batas ay maaring mapatawan ng multa mula Php250 hanggang Php2,000 o posibleng pagkakulong ng tatlong buwan depende sa desisyon ng korte.


Ipinasa sa Sangguniang Bayan ng Banga ang nasabing batas noong Marso 21 at epektibo 15 araw matapos itong mailathala sa lokal na mga pahayagan.

Tuesday, April 25, 2017

ISYU TUNGKOL SA TULI, MULING NAUNGKAT SA AKLAN SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Muling naungkat ang isyu sa session ng Aklan Sangguniang Panlalawigan tungkol sa isang lalaking foreigner na pinagpasa-pasahan at tinanggihan umanong matuli sa provincial hospital.

Matatandaan na sa mga nakalipas na sesyon ay ipinahayag ni SP member Noli Sodusta sa plenaryo ang reklamong ipinaabot sa kanya ng kakilalang foreigner na tinatayang nasa 26-anyos.

Pinabulaanan ni Sodusta ang pasaring ng mga kasama sa Sanggunian na gawa-gawa lamang niya ang isyu katunayan binasa pa niya ang text message ng nasabing lalaki.

Iginiit naman ni SP member Soviet Dela Cruz na dapat ay may basehan ang mga reklamong ito. Sinabi rin ni SP member Jay Tejada na dapat ay dadaan ito sa tamang proseso.

Ayon kay vice governor Reynaldo Quimpo, aalalamin lamang kung ano ang pamamaraang ipinapatupad ng ospital kaugnay ng pagtutuli at walang gagawing akusasyon o reklamo.


Ayon kay SP member Nelson Santamaria, committee chair on health, nakahanda naman siyang ipatawag ang pamunuan ng ospital para sa isang pagdinig.

Tuesday, March 21, 2017

AKLAN, ISA NANG RETIREMENT-FRIENDLY AREA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Isa nang retire-friendly province or retirement area ang lalawigan ng Aklan kasunod ng pag-apruba sa resolusyong inihain kaugnay rito sa Sangguniang Panlalawigan.

Nakasaad sa draft resolution nina vice governor Reynaldo Quimpo at SP member Immanuel Sodusta, ang pagdedeklara sa probinsiya bilang retirement area ay magiging daan para maisama ng Philippine Retirement Authority (PRA) sa kanilang mga promosyon.

Sinabi rin sa resolusyong ito na sa pamamagitan rin nito ay posibleng magtayo ng satellite office ang PRA sa probinsiya.

Naniniwala ang mga lokal na mambabatas na makakahikayat ito ng mas maraming imbestor at magbubukas ng maraming trabaho sa lalawigan.


Iginiit rin na ang Aklan ay may mga pinalalawig nang imprastraktura at pasilidad, isang kakaibang kultura, at sapat na tao para tumugon sa mga pangangailangan ng mga retiree.