Showing posts with label Altavas. Show all posts
Showing posts with label Altavas. Show all posts

Tuesday, August 08, 2017

48 ANYOS NA LALAKI TINAGA NG KAPITBAHAY SA BAYAN NG ALTAVAS; SUSPEK BOLUNTARYONG SUMUKO

Sugatan ang 48 anyos na lalaki matapos siyang tagain ng kapitbahay sa brgy. Lumaynay, Altavas kagabi.

Kinilala ang biktima na si Julie Sarmiento, 48 anyos, residente ng nasabing lugar; samantalang ang suspek ay kinilalang si Rey Cawaling, 40 anyos.

Ayon sa report ng Altavas PNP station, hinamon umano ni Sarmiento ng away ang suspek.

Parehong may bitbit na itak ang dalawa at agad na tinaga ng suspek ang biktima na natamaan sa kanyang kaliwang kamay.

Lumabas lamang umano ang suspek sa kanilang bahay para sana mag-awat ng away nang hamunin siya ng biktima.

Agad isinugod ang biktima sa provincial hospital pero matapos mabigyan ng kaukulang lunas ay inirefer rin sa out-patient department.

Napag-alaman na boluntaryo namang sumuko sa kagawad ng barangay ang suspek at dinala sa Altavas municipal police station para sa kaukulang disposisyon.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga kapulisan ang nasabing insidente.

Thursday, July 06, 2017

AKLAN PNP IKINABAHALA ANG SUNOD-SUNOD NA KASO NG RIDING-IN-TANDEM SA PROBINSIYA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Ikinabahala ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang sunod-sunod na kaso ng riding-in-tandem sa probinsiya.

Sa isang press conference, sinabi ni PSSupt. Lope Manlapaz, direktor ng APPO, paiigtingin pa ng mga kapulisan ang seguridad at tutukan ang pagsawata ng mga nasabing kaso.

Nitong linggo lang tatlong kaso na nang riding-in-tandem ang naganap sa Aklan.

Nitong Lunes, patay nang pagbabarilin sa brgy. Odiong, Altavas ang drug surenderee na kinilalang si Jovanie Gervacio, residente ng brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Patuloy namang ginagamot sa ospital ang negosyanteng si Merlu Manokan makaraang pagbabarilin din sa loob ng kanilang bahay sa brgy. Aquino, Ibajay.

At ngayong Huwebes, tatlong tanod ang napatay at isa pang tanod ang sugatan matapos pagbabarilin din sa peryahan sa brgy. Camanci Norte, Numancia.

Ayon kay Manlapaz, bagaman naka-full-alert ngayon ang mga kapulisan nagkataon anya na ang mga nasabing insidente ay naganap malayo sa mga checkpoint sa mga nabanggit na lugar.

Aalamin rin anya nila kung iisang grupo lang ba ang mga suspek sa mga nasabing insidente.

Napag-alaman na simula nang maupo si Manlapaz bilang direktor ng Aklan PNP, limang kaso na nang riding-in-tandem ang naganap sa kanyang administrasyon.

Aminado naman siya na hirap parin sila sa pagtukoy sa mga suspek gayunman pinasiguro niya na hidi tumitigil ang mga kapulisan sa paglutas ng mga nasabing kaso.

Wednesday, July 05, 2017

MOTORSIKLO SUMALPOK SA TRUCK SA LINAYASAN, ALTAVAS; ISA PATAY, ISA SUGATAN

Patay ang isang 42 anyos na driver matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang truck sa brgy. Linayasan, Altavas.

Kinilala ang biktima na si Joevy PeƱano, residente ng brgy. Man-up sa parehong bayan.

Sugatan rin ang kanyang backrider na si Ronnie Plana, 34 anyos, residente ng brgy. Odiong, Altavas.

Ayon kay PO3 Niel Alejandro, imbestigador ng Altavas police station, lasing umano ang magbarkada nang maganap ang insidente.

Galing umano ang dalawa sa brgy. Odiong kung saan sila nag-inuman. Patungo na sana sa brgy. Linayasan ang dalawa nang pagdating sa crossing ay sumalpok ito sa kasalubong na sasakyan.

Dinala naman sa provincial hospital ang mga biktima pero binawian rin ng buhay ang driver habang ginagamot sa emergency room.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang driver at lasog ang ibang bahagi ng katawan.

Nasa kostudiya naman ng pulisya ang driver ng delivery van na si Romeo Lanticsi, 37 anyos at tubong Sarangani.

Monday, July 03, 2017

DRUG SURRENDEREE BINARIL PATAY SA ODIONG, ALTAVAS

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa brgy. Odiong, Altavas.

Kinilala ang biktima sa pangalang Artemio Gervacio Jr., residente ng brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Sa inisyal na report ng pulisya, sakay umano ng tricycle ang biktima nang barilin ng di pa nakikilalang suspek bandang alas-7:00 ng umaga. 

Nagtamong sugat sa dibdib ang biktima. 

Naisugod pa sa Saint Gabriel Hospital ang biktima pero binawian rin ito ng buhay.

Ayon kay PCInsp. Ariel Nacar, hepe ng Altavas PNP station, si Gervacio ay kabilang sa mga boluntaryong sumuko sa Oplan Tokhang ng PNP.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan hinggil sa nasabing insidente.

Monday, May 22, 2017

JEEP NAHULOG SA BANGIN SA BAYAN NG ALTAVAS, 1 PATAY; 9 SUGATAN

Isa ang patay samantalang siyam ang sugatan nang mahulog ang isang pampasaherong jeep sa bangin sa brgy. Tibiao, Altavas dakong alas-4:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ang biktima na si Marjun Martinez, 32 anyos, residente ng Jamindan, Capiz.

Sa report ng pulisya, binabaybay ng jeep ang national highway mula sa Brgy. Soncolan, Batan pauwi na ng Jamindan, Capiz nang mawalan ng kontrol ang driver sa menamanehong sasakyan.

Bumulusok pabalik ang sasakyan sa paakyat na bahagi ng kalsada saka ito nahulog bangin.

Sakay ng jeep ang 25 pasahero na pawang magkakapamilya galing sa Borabocay beach sa Batan.

Matapos ang aksidente ay agad  na tumakas ang driver na kinilalang si Alex Alasconia ng Jamindan, Capiz.
Maswerteng nakaligtas naman ang 15 pa. 

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa nasabing aksidente.

Wednesday, March 29, 2017

MAYOR NG ALTAVAS AKLAN SINUSPENDE NG OMBUDSMAN DAHIL SA IMORALIDAD

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang anim na buwang suspensyon kay Altavas Mayor Denny Refol ng Bayan ng Altavas, Aklan matapos mapatunayan guilty sa kasong imoralidad.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman lumalabas na nagkaroon umano ng Kabit si mayor at nagbunga ang kanilang relasyon.

Depensa ng Mayor na sa ngayon raw ay kakaunti nalang ang mga Public Official na walang kabit. Sinabi rin nito na itinigil na nito ang pakikipagkita sa nasabing babae.

Sa desisyon ng Ombudsman nakasaad na hindi itinatanggi ni Refol ang pagkakaroon nito ng kabit.

Monday, March 20, 2017

LALAKI SA ALTAVAS NAGBIGTI, PATAY

ulat ni Archie Guray Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Patay na nang matagpuan ng kanyang ina ang 20 anyos na lalaki sa Ginictan, Altavas umaga ng Linggo.

Kinilala ang biktima sa pangalang Jen Mark Geroy, residente ng nabanggit na lugar.

Mag-aalas 7:00 raw ng umaga nang makitang nakabitay na ang biktima sa nakapahalang na Kawayan sa bahay kubo, na may mahigit 50 metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Lumabas sa imbestigasyon ng Altavas PNP at ayon na rin sa pahayag ng nanay, matagal na raw nagsasabi ang biktima patungkol sa mga bagay at kababalaghan na nagpapakita umano sa kanya simula pa raw noong Oktubre 2016.

Hanggang sa nagbigti na nga ang biktima.

Samantala naisugod pa ito sa Altavas District Hospital pero ideneklarang dead on arrival.