Friday, August 24, 2018

NEGOSYANTE ARESTADO SA PANGANGALAGA NG BARIL NA WALANG KAUKULANG LESENSIYA

ARESTADO ANG isang negosyante sa kanyang residensiya sa Brgy. Caano, Kalibo dahil sa pangangalaga ng baril nang walang kaukulang permit.

Nasabat ng mga kapulisan sa bahay ng suspek na si Engr. Juan Adante Jr., 56-anyos, ang 22 calibre ng baril at 50 mga bala nito. Aminado si Adante na 2015 pa expires ang kanyang lisensiya.

Depensa niya agad umano siyang nagsumite ng mga kaukulang dokumento sa firearms division ng kapulisan pero hindi umano naibigay sa kanya ang lesinsiya.

Sa kabilang banda, sinabi ni PCInsp. Kenneth CaƱete, deputy chief ng Kalibo PNP, ang pag-apply ng search warrant laban sa suspek ay dahil sa mga reklamo na nagpapaputok siya ng baril kapag nakainom.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Kalibo PNP sa pamamagitang ng search warrant sa paglabag sa Republic Act 10591 o Firearm Law.

Si Adante ay nakakulong na sa Kalibo Police Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment