photo filler |
Gusto niyo bang magkaroon ng Php3,000 nang walang
kahirap-hirap?
Isang barangay sa bayan ng Lezo ang nag-aalok ng Php3,000
pabuya sa mga makapagtuturo sa mga nagtatapon at nagkakalat ng mabaho at gamit
na diaper sa kanilang lugar.
Ang kakaibang aksiyon na ito ay inanunsiyo ng sanggunian ng
brgy. Bagto sa nasabing bayan matapos makita ang mga nagkalat na mga diaper na
itinatapon ng mga iresponsableng mga magulang o guardian na dumaraan sa
highway.
Ayon kay punong barangay ni Renee Layson na ang pagkakalat
ay isang pangunahing suliranin ng kanilang barangay. Sinabi pa ng punong
barangay na hind ito kaaya-aya sa pang-amoy at tanawin.
Nabatid na nagpapatuloy ngayon ang konstruksiyon ng bagong
provincial road sa lugar na nagdurugtong sa ruta Iloilo-Caticlan palabas-pasok
ng Boracay. Ito ang dahilan para anya panatilihin nila ang kalinisan ng
barangay.
Hinikayat ng konseho ang kabarangay na kunan ng litrato kung
sino ang nagtatapon para masigurong ang akusasyon nila ay tama at para maibigay
sa kanila ang nasabing pabuya. (PNA)
No comments:
Post a Comment