Wednesday, December 12, 2018

Lalaki at menor de edad na live-in partner huli sa pagtutulak ng marijuana

INARESTO NG kapulisan ang isang lalaki at ang menor de edad na live-in partner sa bayan ng Numancia dahil sa pagtutulak ng paniniwalaang marijuana.

Kinilala ang mga suspek na si Rolando EgaƱa y Jesalva, 20-anyos at ang 17-anyos na live-in partner, pawang mga residente ng Brgy. Navitas sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng kapulisan, si Rolando ay nabilhan ng operatiba ng isang sachet ng pinaniniwalaang marijuana kapalit ng Php1000 marked money.

Nasabat din sa pagrikisa sa lalaki ang isa pang sachet ng umano'y marijuana.

Nabatid na parehong newly identified lang ng kapulisan ang maglive-in.

Pansamantalang ikinulong ang dalawa sa Numancia Municipal Police Station.

Isasailalim sa mandatory drug test ang dalawa at posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ikinasa ng pinagsamang pwersa ng Numancia PNP at ng Provincial Drug Enforcement Unit ang operasyon gabi ng Martes sa Brgy. Albasan.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment