Energy FM Kalibo photo |
Ayon kay SP Acting Secretary Josefa Elena Martin ang budget sa 2019 ay mas mataas ng siyam na porsyento o Php184 million kumpara sa kasalukuyang taon.
Sa susunod na regular session ng Sanggunian ay isasalang na sa ikalawa, ikatlo at huling pagbasa ang ordinansa kaugnay rito. Inaasahan na maaaprubahan ito bago magbakasyon ang mga opisyal.
Nabatid na sa kabuuang budget, 53 porsyento (Php1,096,246,825) ang mula sa Internal Revenue Allotment, walong porsyento ang galing sa Tax and Non-Tax Revenue (Php158,350,000) – mas mataas ng 11 porsyento kumpara sa taong 2018.
Habang ang natitirang 39 porsyento (Php791,150,000) ay mula sa Economic Enterprise. Mas mababa umano ito ng walong porsyento sa 2018 budget sanhi ng anim na buwang pagsara sa Isla ng Boracay.
Sinabi ni Vice Gov. Boy Quimpo na sa kabuuang budget 40 porsyento ang ilalaan para sa serbisyo pangkalusugan o katumbas ng Php817,055,889.
Sinabi pa niya na aabutin pa ng nasa dalawang taon bago makabawi ang gobyerno probinsiyal sa pagbaba ng pondo ng Economic Enterprise Development Department dahil sa pagsara ng Boracay.
Sa lahat ng budget allotment, pinakamalaki ang mapupunta sa pamamalakad ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital, sweldo sa mga tauhan at iba pang gastusin – Php448,037,011.
Pangalawa ang tanggapan ng gobernador sa may pinakamalaking ilalaang pondo -- Php308,442,875.25.##
No comments:
Post a Comment