PINAG-AARALAN NGAYON sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang pag-apruba sa Php2,045,746,825 annual budget sa susunod na taon 2019.
Ito ang ibinalita ni Vice Gov. Reynaldo Quimpo sa mga media workers sa kanyang mensahe sa KBP-Aklan Broadcaster's Ball 2018 gabi ng Linggo.
Sa kabuuang pondo 61 porsyento umano rito ang regular fund samantalang ang 39 porsyento naman ang Economic Enterprise and Development Department (EEDD) fund.
Ipinagmalaki ni Vice Gov. Quimpo na sa kabuuang budget 40 porsyento nito ang ilalaan para sa serbisyo pangkalusugan o katumbas ng Php817,055,889.
"I don't know which province, which city, which municipality allocates 40 percent of their total budget. I think it is only the province of Aklan," sabi ng opisyal.
"Lately we have spent so much, we have allocated so much to improved our hospital owned and operated by the province of Aklan.
"We have added facilities, we have added personnel and upgraded the status from level one to level two and some infirmaries to level 1 hospital," paliwanag niya.
Kung ikukumpara sa taong ito, doble ang inilaang pondo ng gobyerno probinsiyal para lamang sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital. Nasa Php400 million umano ang pondo rito sa 2019.
Samantala, sinabi ng bise gobernador na aabutin pa ng dalawang taon bago makabawi ang gobyerno probinsyal sa kita kasunod na pagsara ng Isla ng Boracay.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment