Mababatid na ipinadala ni DepEd-Aklan Division Supt. Salvador Ochavo sa regional office ang reklamo ng 14 mga guro para sa pagdesisyon.
Inirereklamo ng mga guro ang hindi mabuting pakikitungo ng punong-guro na si Ms. Mary Ann Alcedo sa kanila at anila'y pagpapahiya sa kanila sa harap pa ng kanilang mag-aaral.
Tugon ni Dir. Ma. Gemma Ledesma, DepEd 6 Officer-in-Charge, na ang sulat-reklamo ng mga guro ay "sufficient in form and content pursuant to the Revised Rules of Procedures of the Department of Education in Administrative Cases".
Kaugnay rito inatasan niya ang Division Superintendent ng Aklan na magsagawa ng fact-finding o preliminary investigation sa reklamo.
Matatandaan na maging ang mga magulang ng mga mag-aaral sa nasabing paaralan ay nagpetisyon at nagkilos-protesta sa DepEd-Aklan na paalisin ang nasabing guro dahil ayaw nila ang pamamalakad nito.
Sa kabila nito sinabi ni Dr. Ochavo na sa kanilang pag-iimbestiga ay wala silang makitang batayan sa reklamo kaya hindi niya maaaring ilipat mula sa eskwelahan ang principal.##
No comments:
Post a Comment