ISANG MISIS ang nagsumbong sa kapulisan makaraang dukutan habang nasa loob ng isang shopping establishment sa Jaime Cardinal Sin Avenue, Andagao, Kalibo hapon ng Martes.
Ayon kay Ma. Ayren Timonera, 48-anyos, residente ng Brgy. Bacan, Banga, huli na umano niyang nalaman na nawawala na ang kanyang wallet sa loob ng kanyang sling bag.
Laman umano ng wallet ang mahigit Php6,000 halaga ng pera, dalawang gintong kwentas at isang gintong pulseras na nagkakahalaga lahat ng Php50,000.
Nang usisain ang CCTV makikita na sinusundan siya ng apat na babae at isang bading na kunwari na nagmimili rin ng mga damit. Makikita na binabanggan siya at tinatabihan ng mga di pa nakikilalang suspek.
Iniimbestigahan na ng Theft and Roberry Section ng Kalibo PNP ang isidente.
Una nang nagbabala si PO2 Erick John De Lemos, imbestigador ng Kalibo PNP, na nasa Kalibo ngayon ang salisi gang gumagamit ng iba-ibang modus upang makapambiktima.
Kaugnay nito, payo niya sa mga tao lalo na ngayong selebrasyon ng Ati-atihan Festival sa kabiserang bayan na mag-ingat at makipag-ugnayan agad sa kapulisan kapag may insidente.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment