PANALO NA naman ang munisipyo ng Balete sa katatapos lang na Higante Contest sa Kalibo Ati-atihan Festival 2019.
Ang mga nanalo ay mga munisipyo ng Balete (Champion); Nabas (1st runner up); Batan (2nd runner up); Ibajay (3rd runner up); at Kalibo (4th runner up).
Ang champion ay tatanggap ng Php45,000, habang ang mga runner-up ay tatanggap ng Php40,000, Php35,000, Php30,00 at Php25,000 ayon sa pagkakasunod-sunod.
Ang limang iba pa na mga munisipyo na lunahok - Tangalan, New Washington, Madalag, Numancia, at Malinao. Sila ay tatanggap ng Php15,000 consolation.
Lahat ng mga lumahok sa contest ay may subsidy mula sa provincial goverment na Php30,000. Ang Higante Contest ay inoorganisa taon-taon ng Provincial Tourism Office.
Ang tema ng contest ngayong taon ay Aklan festivals. Matatandaan na noong nakaraang taon ay panalo din ang Balete sa tema na professional ati.
Ang criteria for judging ay relevance (30%), creativity (30%); artistry (30%); audience impact and appeal (10%).##
- ulat ni Kasimanwang Darwim Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment