Friday, January 18, 2019

Lalaki pinatay ng sariling anak sa bayan ng New Washington; suspek arestado


PATAY ANG isang lalaki makaraang makaraang pasakan ng damit ng sariling anak ang kanyang bunganga sa Brgy. Candelaria, New Washington Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Haidee Prado, 59-anyos, habang ang suspek ay nakilala namang si Ger Prado, 31, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Batay  sa ulat ng New Washington PNP, nagkaroon umano ng mainit a pagtatalo ang mag-ama na parehong nakaiom. Nabatid na palagi nang nagtatalo ang dalawa.

Itinali umano ng suspek ang paa at kamay ng ama gamit ang rattan at pinasakan ng damit ang bunganga.

Matapos ang insidente, mismong ang suspek ang nagsumbong sa kanyang step sister hinggil sa ginawa niya sa ama. Sumuko naman ang suspek sa mga otoridad.

Isinugod pa sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ang biktima pero dineklara rin itong dead on arrival.

Inaalam pa ng kapulisan ang malalim na motibo sa insidente.

Kulong ang suspek sa New Washington PNP station at nakatakdang sampaha ng kasong parricide.##

No comments:

Post a Comment