photos Aklan PPO / Kalibo PNP |
Isinagawa ang send off ceremony sa Camp Pastor Martelino na pinangunahan ni PCSupt. John Bulalacao, regional director ng Police Regional Office 6, task group commander.
"We are gathered here today to show our support to make Ati-atihan celebration this year a success. We have done this before and we can still do better this time," sabi niya sa kanyang mensahe sa STG Ati Feast 2019 personnel.
Sa buong Task Group, 1,419 dito ang PNP personnel, 44 ang Armed Forces of the Philippine personnel, at ang 205 ay mga emergency response team gaya ng PDRRMO at Bureau of Fire Protection.
"This is not just a show of force but an expression of our commitment to ensure that the community will be safe and secure for everyone. Thus Akeanons, tourists, and pilgrims need not worry, the police are here - we will help you," pahayag ni CSupt. Bulalacao.
Paalala niya sa mga kapulisan na maging alerto, maging confident at maging courteous o magalang sa mga bisita. Binawalan niya ang mga kapulisan na gumamit ng cellphone at matulog habang nasa duty.
Sa kabila ng malaking bilang ng kapulisan at iba pang law enforcers, sinabi ni Bulalacao na ang kanilang tagumpay ay nakasasalay rin sa pakikipagtulungan ng taumbayan.
Kabuuang naman 167 communication equipment at 73 mobility equipment gaya ng mga patrol car at motorcycle ng kapulisan, ambulansiya, at firetrucks ang gagamitin para sa seguridad ng festival.
Ang mga task group personnel at ang mga equipment ay binasbasan ng pari sa nasabing send off ceremony.
Layunin ng task group ang magkaroon ng zero major incident sa festival, at mapalakas pa ang tiwala ng taumbayan sa kapulisan at sa pang pwersa ng gobyerno.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment