Monday, January 14, 2019

Father Belandres nagpaalala sa mga political aspirants, "be humble"


Pinaalalahan ni Fr. Tudd Belandres, Parish Priest, ang mga political aspirants sa kanyang homiliya umaga ng Linggo na maging mapagpakumbaba.

Dumalo sa misa ang mga aspirants sa congressional, provincial at municipal level sa Kalibo bahagi ng kanilang commitment sa isang mapayapa, maayos, at tapat na eleksyon.

Sinabi ng pari na dapat iwasan ng mga tumatakbo sa eleksyon ang mga personal na pag-atake sa kanilang mga kalaban.
Pinaalalahanan rin niya ang mga tao na maging responsable sa pagboto.

Pagkatapos ng misa ay isinagawa ang paglagda sa Peace Covenant ng lahat ng mga tumatakbo sa halalan. Sinaksihan ito ng kapulisan, Simbahan, media, kinatawan ng Department of Interior and Local Government, at ng Commission on Election.

Bago ito isang unity walk ang isinagawa mula sa Magsaysay Park patungong Cathedral. Nilahukan ito ng mga political aspirant kasama ang ilan nilang mga taga-suporta.

Sa Magsaysay Park ay nag-alay rin ng dasal para sa mga aspirants ang mga lider ng Baptist at Muslim.

Layunin ng aktibidad na inorganisa ng kapulisan na magkaroon ng isang maayos, payapa at tapat na halalan sa taong ito.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment