Ang suspek at ang biktima. |
ARESTADO ANG isang lalaki sa selebrasyon ng Ati-atihan Festivl sa Kalibo makaraang nakawan ang isang lolo tanghali araw ng Huwebes.
Kinilala ang suspek na si Robert Fugura, 36-anyos, tubong Calumpang, Iloilo City. Habang ang biktima ay kinilala namag si Gil Silvederio, 67, residente ng Brg. Tabangka, Numancia.
Batay sa pagsisiyasat ng Kalibo PNP, bumibili umano ang biktima sa isang stall sa kahabaan ng F. Quimpo St. sa Brgy. Poblacion nang mapansin niyang nakabukas na ang zipper ng kanyang bag.
Bago ito naalala niya na may isang lalaking lumapit sa kanya. Hinanap niya ito at natagpuan sa kalapit na stall. Dito kinumpronta ng biktima ang suspek pero bigla itong tumakbo.
Agad na humingi ng saklolo ang biktima at agad na hinabol ng mga negosyanteng Muslim at kapulisan ang lalaki dahilan para mahuli ito.
Nasabat sa kanya ang ninakaw na pera mula sa biktim. Ikinulong ang suspek sa police station at nakatakdang sampahan ng kasong theft.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ng suspek na kalalaya lang niya mula sa kulungan dahil rin sa kasong pagnanakaw. Inamin rin niya na ninakawan niya ang biktima.
Samantala, nagpapasalamat naman si PO2 Erick John Delemos, imbestigador, dahil sa pagiging alerto ng biktima at ng mga Muslim brothers kaya nahuli ang snatcher.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment