Balete, Champion Hegante Contest 2018 / photo Maria Lucel Villaruel |
ISA SA mga inaabang ng mga festival goers tuwing Ati-atihan festival sa Kalibo ay ang parada ng mga “hegante” mula sa iba-ibang munisipyo.
Ayon sa Aklan Provincial Tourism Office, organizer ng taunang Hegante Contest, ang tema ng contest ngayong taon ay “Aklan festivals”.
Nakatakda ang naturang aktibidad sa Huwebes, Enero 17, ala-1:00 ng hapon. Magsisimula ang parade sa D. Maagma St. patungong Pastrana Park para sa final judging at awarding ceremony.
Ang mananalo ay tatanggap ng cash at plaque habang ang hindi mapapalad ay tatanggap ng consolation prizes at plaque of participation. May subsidy rin na ibibigay sa lahat ng mga lalahok na munispalidad.
Noong nakaraang taon nanalo ang bayan ng Balete sa kanilang heganteng chef kung saan ang tema ng contest ay professional Ati.
Samantala, pangungunahan rin ng Tourism Office ng probinsiya ang Sangkalibong Tamboe at Aklan Festivals Float Parade sa Enero 14 simula ala-1:00 ng hapon.
May gaganapin rin na “Balikbayan Night” sa Enero 18, alas-7:00 ng gabi sa ABL Sports Complex na may temang “Paradise Regain” kaugnay ng rehabilitasyon at muling pagbubukas ng Isla ng Boracay.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment