photo Kalibo PNP / file, Ati Fest 2016 |
Ayon kay PO2 Jane Vega, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office, gaganapin ang aktibidad anumang oras araw ng Biyernes sa loob ng festival zone.
Susubukin umano rito ang kahandaan ng kapulisan at ng iba pang ahensiya sa pagresponde sa mga malalaking sakuna gaya ng bombing, mass shooting, at stampede.
Kaugnay rito, nagpaalala ang kapulisan sa mga bisita at publiko na huwag magpanic sa halip ay mag-cooperate sa mga owtoridad.
Araw ng Huwebes ay nakafull swing na ang pwersa ng kapulisan para sa pagbantay ng seguridad sa malaking selebrasyong ito lalo na sa bisperas at kaarawan ng festival o sa Sabado at Linggo.
Sa araw rin ng Biyernes, ay isasagawa ang send-off ceremony ng mga itatalagang kapulisan na pangungunahan ni PCSupt. John Bulalacao, regional director ng PNP.
Una nang ibinalita na nasa 1,500 kapulisan ang itatalaga sa festival. Malaking bilang nito ang mula sa regional office ng PNP.
Target ng kapulisan ang zero major incident para sa selebrasyon ng Ati-atihan sa Kalibo ngayong taon.##
- ulat ni Kasimawang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment