MAGDIRIWANG ng Ati-atihan Festival ang bayan ng Malinao sa darating na Biyernes bilang pagpupugay kay Sr. Sto. Niño, patron ng Katoliko.
Ayon kay Mayor Ariel Igoy "a total of sixty three (63) participating groups and tribes will join and compete in this year's festival in Malinao, Aklan."
Batay sa kanyang facebook post, narito ang skedyul ng mga aktibidad sa Biyernes: Misa sa Plaza (7:30am); Procession (9:00am); Sadsad it Pagdayaw (10:00am-5:00pm).
Sa gabi ay mayroon namang Masquarade Ball at Presentation of Candidates ng Ms. Malinao Eco Tourism (7:00pm-12:00mn).
Ang iba pang mga bayan na magdiriwang ng Ati-atihan Festival ay ang Batan (Enero 19-20); Altavas (Enero 21-22); at Ibajay (Enero 26-27).
Katatapos lang ng Isla ng Boracay magdiwang ng Ati-atihan (Enero 12-13) at Makato (Enero 14-15).
Sa Enero 20 ay magtatapos naman ang mahabang selebrasyon ng Kalibo ng Ati-atihan Festival na nagsimula nitong Enero 2.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
- mga larawan mula kay Rose Eclevia Candelario / file
No comments:
Post a Comment