Tuesday, January 15, 2019

Augmentation force ng kapulisan sa Kalibo Ati-atihan Festival 50% na


NASA KALAHATING porsyento na ang augmentation force ng kapulisan sa nagpapatuloy na pagdiriwang ng Kalibo Ati-atihan Festival.

Ito ang pinahayag ni PSupt. Richard Mepania, help ng Kalibo PNP at ground commander ng event, sa isang media interview hapon ng Martes.

Aniya dumating ang kalahati ng inaasahang bilang ng augmentation force ng kapulisan araw ng Lunes at nagsimula nang italaga sa loob at labas ng festival zone.

Una nang ibinalita na nasa mahigit 1,500 kapulisan ang itatalaga sa malaking selebrasyong ito. Malaking bilang nito ang mula sa regional office ng Philippine National Police.

Dinagdag ni Mepania na sa Huwebes ay makokompleto na ang augmentation ng kapulisan para masiguro ang isang mapayapa at maayos na festival. Target nila ang zero major incident sa event na ito.

Mababatid na 18 police assistance desk ang kanilang itinayo para magbantay sa seguridad. Dadaan din sa pedestrian screening area ang mga festival goer.

Nakatakda namang pansamantalang patayin ang mga telecommunication signal sa festival zone sa bisperas at kaarawan ng pagdiriwang para sa seguridad.

Nanawagan naman ng kooperasyon ng taumbayan at mga bisita ang hepe ng Kalibo PNP sa mga ipinatutupad nilang seguridad at mga ordinansa.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment