photo Kas Darwin Tapayan / Energy FM Kalibo |
BALAK NGAYON ng Parish Church of Kalibo na sabayang pagtugtog ng iba-ibang grupo o tribu ng iisang kanta sa Kalibo Ati-Atihan Festival at ipasok sa world record.
Binanggit ito ni Fr. Jose Tudd Belandres, moderator ng Parish Team Ministry sa kanyang committee report sa Kalibo Sto. Ñino Ati-Atihan Festival Inc. bahagi ng paglalahad niya ng mga aktibidad ng Simbahan.
Sinabi niya na napag-usapan umano ng parokya na pagkatapos ng pagsigaw ng "Viva kay Sr. Sto. Niño" ay susunod ay sabayang pagtugtog sa harap ng Simbahan Linggo ng umaga.
Gusto umano ng parokya na tugtugin ng mga tribu, grupo at mga caro owners ang sikat noon na kanta na "Happy Days are Here Again".
Iimbitahan umano nila ang Guinness World Records para mag-obserba para sa may pinakamaraming sabayan nagtutugtog ng nabanggit na kanta.
Sinabi ni Fr. Belandres na mainam umano ito kaysa iba-iba ang tinutugtog na sa halip makalikha ng musika ay ingay.
Katunayan sinabi niya na nakahanda na ang recording ng kanta para magamit ng mga kalahok pero maaaring sa susunod na taon pa umano ito uumpisahang gawin.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment