ISANG NANGHIHINA at hindi makalipad ba agila ang natagpuan ng mga residente sa Bakhawan Eco Park sa Brgy. New Buswang, Kalibo.
Itinurn-over nila ito kay Kagawad Wellie Ramos na siya namang nagdala kay Dr. Jhana Rose Nepomuceno, local veterinarian ng Kalibo, para gamutin.
Ayon sa report ni Kasimanwang Joel Nadura, napag-alaman na isa itong juvenile crested serpent eagle na nanganganib nang maubos ang kanilang uri.
Nakitaan ito ng gupit sa pakpak dahilan para hirap itong makalipad. Paniwala ni Dr. Nepomuceno inalagaan ito pero nakawala.
Aniya ipinagbabawal ng batas ang pag-aalaga ng mga endangered species katulad ng ibon na ito.
Natagpuan ito araw ng Biyernes noong nakaraang linggo at makaraang gamutin ay dadalhin ito sa DENR Office sa tulong ni Chita Heap, presidente ng Kool Earth.##
No comments:
Post a Comment