PORMAL NANG sinagot ng Development Bank of the Philippines ang kaso na isanampa ni dating Board Member Rodson Mayor kung saan dawit ang bangko.
Mababatid na hiniling ni Mayor sa korte na ipawalang-bisa ang resolution 2018-962 na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan na nag-aapruba sa Php1.53 billion na loan facility ng probinsiya sa nabanggit na bangko.
Inirereklamo ng dating opisyal ang 11 mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan kasama ang bise gobernador at ang gobernador sa umanoy iregularidad sa ipinasang resolusyon.
Sa apat na pahinang sagot ni Kenneth Alovera, Counsel for DBP na nakabase sa Iloilo, sinabi niya na hindi dapat sa branch office sa Kalibo isinilbi ang summon ng korte kundi sa kanilang central office.
Bagaman inamin niya na inaprubahan ng DBP ang Php1.53 billion na loan application ng probinsiya, pinabulaanan naman niya nila na may direkta silang partisipasyon sa pag-apruba ng resolusyon.
Kaugnay sa mga binanggit na punto sa sagot ng DBP hiniling ng kanilang consultant na alisin ang bangko bilang "party respondent" sa kasong isinampa ni Mayor laban sa kanila.##
No comments:
Post a Comment