Thursday, January 10, 2019

Mga miyembro ng LGBTQ community paparada sa Kalibo Ati-Atihan Festival


PAPARADA SA selebrasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival sa Enero 17 ang mga miyembro ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community.

Ayon sa organizer ng event na Aklan Butterfly Brigade ito umano ang kauna-unahang grand pride parade ng LGBTQ sa Aklan. Tinawag nila itong KULAY: The Aklan's First Grand Pride Parade na may temang "Unfold your true colors."

Ang Aklan Butterfly Brigade na siya ring nag-oorganisa ng taunang Queen of Aklan pageant ay samahan ng mga gay at transgender na ang adbokasiya ay nakatuon sa HIV and AIDS prevention and control.

“We want to send a message that each one of us is uniquely different, and our difference doesn't set us apart from others. Like a rainbow, LGBTQ+ is a spectrum of sexual and gender identities. The colors are different, but the value of each color is the same,” sabi ng grupo.

Bukas umano ang event at libre sa lahat ng mga nais sumali. Inaasahan na nakasuot ng makukulay na costume ang mga kalahok bitbit ang mga placards na nanawagan ng pagkakapantay-pantay.

Samantala, kinumpirma ng festival organizer na si Albert Meñez, chairman ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Foundation Inc., ang nasabing event. Welcome para sa kanya ang event na ito bilang aniya “way of expression.”##

No comments:

Post a Comment