photo MDRRMO Numancia |
Ayon sa MDRRMO Numancia, muli silang nagsagawa ng search and retrieval operation sa ika-siyam na araw kung saan naging mabuti na ang lagay ng ilog.
Matatandaan na simula nang araw ng malunod ang bata ay naging pahirap sa mga rescuers ang malakas na agos ng tubig, malalim at malabong ilog.
Ang mga divers ng pamahalaang lokal ng Numancia at Fishery Division ng probinsiya ay nakasisid na sa lugar kung saan posibleng nasabit ang bata.
Matapos ang ilang oras na paghahanap ay hindi parin natagpuan ang anim-na-taon-gulang na bata na si Feona Obamos ng Brgy. Bulwang, Numancia.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga MDRRMO Numancia sa mga tumulong sa operasyon sa PDRRMO, mga MDRRMO ng Kalibo at Makato, Coast Guard mula Caticlan at New Washington.
Tumulong din sa paghahanap ang 611th Aux. PCGA Squadron, Numancia SEALS, kapulisan ng Numancia, mga mangingisda at lahat ng mga coastal municipalities.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment