photo Kalibo PNP / file |
NAGPAALALA ANG kapulisan sa taumbayan sa ipatutupad na Comelec checkpoint at gun kaugnay ng election period simula Enero 13 hanggang Hunyo 12.
Sa bayan ng Kalibo, sinabi ng PSupt. Richard Mepania, hepe ng Kalibo Municipal Police Station, na 24 oras silang magsasagawa ng checkpoint.
Paalala niya na ipinagbabawal na ang pagbibitbit ng mga baril sa labas ng bahay. Bawal rin ang anumang uri ng patalim.
Nais rin niyang paalalahanan ang mga motorista na maghelmet, ihanda ang lesinsya at mga dokumento ng sasakyan. Huwag din umanong tatakbuhan o takasan ang checkpoint.
Sa kabilang banda, nakahanda narin umano ang seguridad sa gaganaping Unity Walk at Peace Covenant Signing sa Enero 13 para sa mga tumatakbo sa eleksyon.
Nanawagan siya ng kooperasyon sa taumbayan para sa isang mapayapa at maayos na eleksyon at pagdiriwang ng Ati-atihan festival sa Kalibo.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment