MAGTATAYO NG panibagong pier ang gobyerno probinsyal ng Aklan sa Caticlan Jetty Port mula sa utang sa Land Bank.
Sa pagdinig araw ng Martes sa Sangguniang Panlalawigan, kinumpirma ni Provincial Engineer Ederzon Magalit ang konstruksyon ng nasabing pier.
Aniya manggagaling ang pondo sa proyekto sa Php300 million sa kabuuang Php420 million na uutangin ng gobyerno probinsyal sa nabanggit na bangko.
Sumailalim na aniya sa bidding process ang proyekto at ang nanalo ay ang IBC company sa contract amount na Php176,800,000 para sa phase 1 ng proyekto.
Sinabi ni Jetty Port administrator Niven Maquirang na ang pagtatayo ng panibagong pier para sa mga RoRo vessels ay mahalaga sa industriya ng turismo sa probinsiya.
Kinuwestiyon naman nina Board Member Atty. Harry Sucgang at Atty. Noly Sodusta ang paglalaan ng panibagong pondo sa pag-sasaayos ng Caticlan at Cagban Port mula naman sa planong utangin sa Development Bank of the Philippines.
Pero ayon kay Maquirang wala pang plano para sa iba pang improvement sa mga port na ito bagaman kasama ito sa posibleng pondohan ng uutanging Php1 billion mula sa DBP.
Inaprubahan ng Committee of the Whole ang kahilingan ng gobernador sa affirmation ng naturang proyekto.##
No comments:
Post a Comment