photo by Google |
Ito ang naging desisyon ng Branch 2 ng Regional Trial Court Sixt Judicial Region na inilabas ni Bienvenido Barrios Jr., acting presiding judge nitong Nobyembre 12.
Matatandaan na Abril 17 nang maghain si Mayor ng “Petition for Injunction with Prayer for issuance of Temporary Restraining Order (TRO) and or Writ of Preliminary Injunction to restrain STL Panay Resources Co. Ltd from dredging the Aklan River and to declare SP Resolution No. 2012-340.”
Ang SP Resolution no. 2012-340 ay nagbigay otoridad sa dating gobernador ng Aklan at ngayon ay Congreesman na si Marquez para sa isang kasunduan sa nabanggit na kompaniya para sa dredging ng Aklan river bahagi ng disaster risk reduction and management program ng probinsiya.
Kasama sa inirereklamo ni Mayor ay ang mga kasalukuyang opisyal na sina Cong. Carlito Marquez, Gov. Florencio Mirafores, at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Gov. Reynaldo Quimpo dahil sa umano’y kawalan ng tugon na ipahinto ang dredging operation.
Mababatid na tutol ang ilang residente sa Brgy. Bakhaw, Kalibo at ang mga opisyal ng bayan sa gagawin ng STL sa pangambang magdudulot ito ng pagguho ng lupa sa mga tabing ilog. Nakitaan rin ng ilang kakulangan at paglabag ang STL Panay sa mga inisyal nilang operasyon.
Inaatasan ng korte ang STL Panay ihinto ang operasyon habang ipinaayos ang ilang gusot sa kanilang kontrata, at para tugunan ang ilang environmental concerns at maipaliwanag ng maigi sa stakeholders ang mga technical procedures ng proyekto.
Diniklara naman ng korte na balido parin ang SP Resolution no. 2012-340.##
No comments:
Post a Comment