INISA-ISA NI Kalibo Mayor William Lachica ang mga proyekto na nagawa at ginagawa sa kanyang administrasyon mula sa binabayad na buwis ng mga tao.
Kasabay nito ipinagmalaki niya na "ro Kalibo owa it utang" sa kanyang mensahe sa "Iwag it Kalibonhon" sa Pastrana Park gabi ng Sabado.
Kabilang sa mga binaggit ng alkalde ay ang Vibrant Kalibo landmark sa Pastrana Park, konstruksyon ng revetment wall sa Bakhaw Norte at mga karatig barangay.
Ganoon rin ang itinatayong evacuation center sa Brgy. Tigayon, health center para sa mga manganganak, at bagong building ng munisipyo kung saan ang rooftop ay lalagyan ng solar panel.
Nabanggit rin niya ang konstruksyon ng mga housing project sa Brgy. Briones na 1,581 bahay sa loob ng anim na ektarya at ganoon rin sa Brgy. Nalook na may limang ektarya.
Ipinagmalaki rin niya ang mga traffic light at CCTV na ikinabit sa mga pangunahing kalsada. Ibinalita niya na may panibago na namang traffic lights ang ikakabit.
"Dayang kuwarta nga ginabayad niyo sa munisipyo hay amon gid nga ginahaeungan ag ibutang sa proyekto agud kamo mismo makatestify kon siin ro kuwarta nagaadto," sabi ni Mayor Lachica.
"Ginabalik-balik ko, ginakalipay ko ro Kalibo owa it utang! Owa it utang," dagdag pa niya. Katuwang aniya niya ang mga opisyal ng Sangguniang Bayan sa pagpapatupad ng mga proyekto.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment