NAGHAIN NG pormal na kahilingan sina Board Member Atty. Harry Sucgang at Atty. Noly Sodusta na muling pag-aralan ang inaprubahang ordinansa kaugnay ng Php1 billion na uutangin ng probinsiya.
Sa kanyang privilege speech binasa ni Sucgang ang inihain nilang motion for reconsideration sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan araw ng Lunes.
Matatandaan na boto ang mga miyembro ng Sanggunian sa nasabing loan facility maliban lamang sa mga nabanggit na board members.
Katuwiran ng dalawang abogado sa kanilang inihaing dokumento, ilang internal rules ang nilabag sa pag-apruba ng ordinasa.
"We cannot change our rule any time at the whims of majority or tyranny of members otherwise there will be chaos, anarchy, and disorderly proceedings," sabi ni Atty. Sucgang.
Kabilang sa binanggit ay ang huling pagpapadala ng mga kopya ng balangkas ng ordinansa sa kanila bago isalang sa huli at ikatlong pagbasa.
Depensa nila, labag ito sa internal rules na nagsasabing ang mga dokumento ay dapat ipadala tatlong araw bago ang session.
Labag rin aniya ang umano’y pag-amyenda ni Board Member Andoy Gelito sa isang salita na nilalaman ng ordenansa kaugnay sa uutanging halaga mula sa Development Bank of the Philippines sa huling pagbasa.
Ang uutanging Php1 billion base sa kahilingan ng gobernador ay gagamitin umano sa pagpopondo sa iba-ibang proyekto ng gobyerno probinsiyal.
Walang binanggit sa regular session ang regular presiding officer at Vice Governor Reynaldo Quimpo kung pagdedebatehan sa susunod na sesyon ang motion nina Sucgang at Sodusta.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan / Energy Fm 107.7 Kalibo
No comments:
Post a Comment