ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
APPO |
Kinumpirma ni Aklan Police Provincila Office acting director
PSupt. Pedro Enriquez sa Energy FM Kalibo na magsisimula na ang operasyon ng extended
small-town lottery (STL) sa lalawigan ngayong buwan ng Marso.
Ito ay base sa sulat na natanggap niya mula sa Philippine
Charity Sweeptakes Office (PCSO) na nagsasabing mayroon na silang otorisadong
operator sa probinsiya.
Samantala, sinabi
naman ni Sangguniang Panlalawigan member at committee chair on peace and order Nemisio
Neron na tutol siya sa anumang uri nang sugal maging legal man ito illegal. Sa
kabila nito, sinabi niya na kung ito ay alinsunod sa batas ay wala silang
magagawa rito.
Sinabi pa ni Neron na ang magagawa lamang umano nila ay
bantayan ang operasyon ng STL sa probinsiya na hindi ito maabuso. Posible naman
anyang pag-usapan ng Sanggunian ang isyung ito.
Una nang nagpahayag ng pagtutol ang Diocese of Kalibo sa
takdang pagbukas ng ganitong uri ng sugal sa probinsiya.
Nabatid na ang pagsasaligal ng STL ay naglalayong
makapagdadala ng malaking kita sa mga lokal na pamahalaan,
pagbibigay ng
pangkabuhay sa karamihan at pag-alis ng mga iligalista.
No comments:
Post a Comment