Usap-usapan ngayon ang pagtakbo bilang opisyal ng Kalibo sa
2019 ang dating alkalde ng Banga na si Antonio “Antong” Maming na nakatira
ngayon sa Estancia, Kalibo.
Ito ay kasunod nang paghain niya ng “application to transfer
registration record due to change of residence” noong Marso 10 sa provincial
COMELEC mula sa pagiging botante ng Banga sa bayan ng Kalibo.
Nakasaad kasi sa Republic Act 7160 na ang isang kandidato ay
kailangan residente ng isang lugar kung saan siya tatakbo nang hindi bababa sa
isang taon bago mag-eleksiyon.
Kamakailan lang ay kinumpirma ni Maming ang kanyang pagkalas
sa partido ni ngayon ay congressman Carlito Marquez patungo sa kampo ni
governor Florencio Miraflores. Magugunitang natalo si Maming sa eleksyon noong
Mayo 2016 laban sa incumbent governor na si Miraflores.
Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa kanya kung siya
ba ay tatakbo sa pagka-alkade ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment