Lalahok sa unang pagkakataon ang mga tribu ng Ati-atihan
festival ng Kalibo sa Manggahan festival sa lalawigan ng Guimaras sa darating
na Mayo.
Sinabi ni Albert Meñez, chairman ng Kalibo Sto. Niño
Ati-Atihan Foundation, Inc. (Kasafi), ang mga nasabing grupo ay kakatawan sa
Aklan sa Western Visayas Invitational Cultural Presentation bilang bahagi ng
nasabing pagdiriwang sa Mayo 21.
Ang mga grupong ito ay ang Black Beauty Boys at Royal Scorpio,
parehong mula Kalibo, at Vikings mula Makato.
Ayon pa kay Meñez, isa itong pagkakataon upang maipakita ng
Aklanon kung ano ang kaya nilang maipagmalaki.
Itinatanghal sa Manggahan festival sa Guimaras ang
industriya ng manga sa lalawigan bilang mango capital ng bansa. (PNA)
No comments:
Post a Comment