Nagpahayag ngayon ng interest ang National Museum na
imbestigahan ang labi ng umano’y misteryosong barko sa brgy. Mambuqiao, Batan.
Sinabi ni Geovanni Bautista, isang mananaliksik ng National
Museum, magpapadala umano sila ng opisyal na sulat sa lokal na pamahalaan ng
Batan upang pahintulutan silang magsagawa ng imbestigasyon.
Sa isa namang panayam, sinabi ni Batan mayor Rodel Ramos na
bukas sila para sa imbestigasyon sa labi ng nasabing barko na matagal na
umanong nakikita ng mga residente pero wala manlang nakakaalam ng patungkol
dito.
Ang labing ito sa tabing-baybayin ng nasabing barangay ay
gawa sa matibay na kahoy at ng hindi pa nalalamang uri ng metal at tinatayang
nasa 15 metro ang haba ng barko. Dagdag pa rito, nakikita lamang ang nasabing
labi ng barko kapag low tide.
Naniniwala naman ang mga residente sa lugar na ang nasabing
barko ay bahagi ng paninirahan ng mga Espanyol sa kanilang lugar. (PNA)
No comments:
Post a Comment