Isinusulong ngayon ng Sangguniang Bayan (SB) ng Malay ang
pagdidiklara ng mas maraming special economic zone sa Isla ng Boracay.
Sinabi ni SB member Dante Pagsuguiron ang nasabing isyu kasunod
ng katatapos lang na Visayas Economic Summit sa Cebu City na isinagawa ng
Philippine Economic Zone Authority.
Sinabi pa ni Pagsuguiron na ang pagkakaroon ng mas maraming
special economic zone ay makakahikayat ng
dagdag investors sa isla at makapagbibigay ng mas maraming trabaho sa
mga lokal.
Sa kasalukuyan ang Boracay Eco-Village Resort sa Yapak ay
isa nang Tourism Economic Zone.
Ayon sa lokal na mambabatas, nasa tatlong lugar ang
tinitingnan niyang pwede maging special economic zones.(PNA)
No comments:
Post a Comment