Paiigtingin ng Philippine Red Cross Boracay-Malay chapter
ang kanilang kampanya sa pangungolekta ng dugo sa isla ng Boracay.
Ayon sa bagong upong chapter chairman Joseph Medina, ang
pagtatayo ng blood collection unit or station sa Boracay para makapaglaan ng
sapat na suplay ng dugo ay sinisimulan na.
Sinabi pa ni Medina na ang pagkakaroon ng suplay ng dugo sa
isla ay mahalaga para makapagligtas ng
buhay lalo na sa panahon ng emerhensiya.
Itatayo ang nasabing blood collecting facility sa Red Cross
office sa brgy. Manocmanoc.
Hinikayat naman ng chapter
chairman ang mga may-ari ng hotels, resorts at ibang establisyemento sa isla na
hikayatin ang kanilang mga staff na mag-volunteer sa Red Cross.
Kaugnay rito, nabatid na una na
silang nagsagawa ng mga first aid training sa iba-ibang establisyemento at
organisasyon sa Boracay.
No comments:
Post a Comment