ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Muling naungkat ang isyu sa session ng Aklan Sangguniang
Panlalawigan tungkol sa isang lalaking foreigner na pinagpasa-pasahan at tinanggihan
umanong matuli sa provincial hospital.
Matatandaan na sa mga nakalipas na sesyon ay ipinahayag ni SP
member Noli Sodusta sa plenaryo ang reklamong ipinaabot sa kanya ng kakilalang
foreigner na tinatayang nasa 26-anyos.
Pinabulaanan ni Sodusta ang pasaring ng mga kasama sa
Sanggunian na gawa-gawa lamang niya ang isyu katunayan binasa pa niya ang text
message ng nasabing lalaki.
Iginiit naman ni SP member Soviet Dela Cruz na dapat ay may
basehan ang mga reklamong ito. Sinabi rin ni SP member Jay Tejada na dapat ay
dadaan ito sa tamang proseso.
Ayon kay vice governor Reynaldo Quimpo, aalalamin lamang
kung ano ang pamamaraang ipinapatupad ng ospital kaugnay ng pagtutuli at walang
gagawing akusasyon o reklamo.
Ayon kay SP member Nelson Santamaria, committee chair on
health, nakahanda naman siyang ipatawag ang pamunuan ng ospital para sa isang
pagdinig.
No comments:
Post a Comment