ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Ipinagbabawal narin sa bayan ng Banga ang paggamit ng mga
modified mufflers at modified lightings sa mga sasakyan.
Inaprubahan na sa Sangguniang Panlalawigan (SP) – Aklan ang
Banga municipal ordinance no. 2017-003 kaugnay rito.
Nakasaad sa nasabing batas na ipinagbabawal ang mga
sasakyang gumagamit ng mga maiingay na muffler at maging mga sasakyan na mataas
sa 84 dicebel ang ingay.
Ipinagbabawal rin ang mga modified lighting na nakakaapekto
sa paningin ng iba pang mga motorista.
Ang lalabag sa nasabing batas ay maaring mapatawan ng multa
mula Php250 hanggang Php2,000 o posibleng pagkakulong ng tatlong buwan depende
sa desisyon ng korte.
Ipinasa sa Sangguniang Bayan ng Banga ang nasabing batas
noong Marso 21 at epektibo 15 araw matapos itong mailathala sa lokal na mga
pahayagan.
No comments:
Post a Comment